Ansinag

Isang Pag-aninag Sa Ating Pagsinag

Archive for October, 2007

PAANO NGA BA ANG MAG-CHAT? How oH hOW?

<embed wmode=”transparent” src=http://www.xatech.com/web_gear/chat/chat.swf quality=high bgcolor=#000000 width=540 height=405 name=chat FlashVars=”id=16440814″ align=”middle” allowScriptAccess=”sameDomain” type=”application/x-shockwave-flash” pluginspage=”http://xat.com/update_flash.shtml” /><br><small><a target=”_BLANK” href=”http://www.xat.com/web_gear/?cb”>Get Your Own Chat Box!</a> <a target=”_BLANK” href=”http://www.xat.com/chat/room/16440814/”>Go Large!</a></small><br><img style=”visibility:hidden;width:0px;height:0px;” border=0 width=0 height=0 src=”http://counters.gigya.com/wildfire/CIMP/Jmx0PTExOTM2NDAzOTI0NjQmcHQ9MTE5MzY0MDQ1NzkwOSZwPSZkPSZuPQ==.jpg” />

INGLES NA TULA: MAS MAGANDA?

GAEA

From Gaea’s legion,

The unstable dream and love

Of green explosion.

(19-Oct-07 at 21:101:10)

Sweet cherry blossoms

Under the mountain Fuji.

Our little rewards.

19-Oct-07 At 17:10:43

The scattered satellites

In our sole planet.

A bouquet of memories.

18-Oct-07 At 17:11:11

As you navigate

Yourself inside my cold world,

You invented fire.

18-Oct-07 At 14:43:21

Pulling a ribbon

From your hundred wrapped presents…

Our sound of kisses.

At 14:12:24

SABAY TAYONG MULING MAGLARO SA ATING PANAGINIP

Guhit kong pag-ibig

Sa mga tiles ng kubeta…

Yakap ng tubig.

19-Oct-07 at 03:28

Lamok sa madaling-araw,

Nagpapaka-langgam

Sa tamis ng pag-uusap.

At 03:12

Dumapong bubuyog

Sa sunflower.

Eklipse’y naganap.

At 15:29

Hapong makulimlim.

Hawak kamay tayong likha’y

Munting bahaghari.

Oct 18, 2007 At 15:02

Yumayakap tayo.

Tila pinipigilan ang

Pagpiglas ng mundo.

Oct 18, 2007 At 14:24

STRAWBERRY sa GLORIETTA

TULANG PINASABOG

(Version#2 Ni G?)

Salat man sa pag-inog
At sabog sa pagkahinog,

Malayo man ang sinapit
Ng siphayo ko at galit,

Hugis ay di man masuyo
Ang pahiwatig ng iyong puso,

Tanging dugo ang siyang panyo
Na nilalangit ang pagsusumamo.

Kahit na kahulugán ng pagsinta
ang pagkukunwari ng damdamin,

Malabo man ang tula

Sana ay may mapala.

Pa- SALVO!

 

May ilang mga bagay na palagi na lamang lumilitaw sa aking laptop. At oo nga pala, may pangalan din siya! Mga binibini at ginoo, siya si Peyupsky! (Hindi naman obvious na mahal na mahal ko ang aking Alma Mater, ano? Hindi dahil sa maangas ang 0-14 kong unibersidad pero kasi, dito ko po nakilala ang Diyos. Naging malapit kami nuong mga panahong ito.)

 

At narito nga si Peyups sa aking kwarto, malapit sa aking kaulayaw na si SyncMaster 17GLs (pangalan ng aking desk top), na tila nagpapaalala ng mga bagay na hindi kayang i-proseso ng aking utak sa ngayon. Nariyan ang SEMINARS na aking ikinu-conduct. Pang-ilang HOW TO PLAN YOUR OWN WEDDING na ba ang aking naisagawa?

At ang mga REUNIONS! Laluna’t ngayong taon ang aming Tin Anniversary. Mabuti na lamang at nariyan sina Bestfriend Lewinn, President Emily, Partner Mark, atbp. Hay! Ten years after high school graduation sa aming pinakamamahal na St. Michael’s College of Laguna. Miss na miss ko na ang aking mga guro! (Salamat po talaga!!!)

At kumusta naman ang isa pang paulit-ulit na draft ko? Ang Values, Mission at Values ni Angel Meg, handa na nga akong humarap at makipag-deal ulit kay Sir Snoopy ng Max’s. Ako na ang kanilang official Wedding Planner dito, from Party Cats Animators to Laguna Weddings to GLISTEN CONCEPTS (aka Calabarzon Weddings)

Photojournalist din ako sa isang Photo-Video company dito sa Laguna, ang Estilo at iba pang connections. Pupunta nga ako sa kanila bukas para sa mga blessings na masaya kong tatanggapin. At teka, may World Literature pa akong turo sa AMA! Kaya pa ba? Wala naman akong love life na iniintindi kaya nagpapakasubsob sa trabaho. Pero hindi ako searching ha? Wala lang. Nakatakda na akong mag-detach sa mga maka-mundong relasyon. (Parang malaswa ang dating, haha!)

Naku, paano ko nga ba maisisingit ang aking personal na buhay? Bukas kasi’y aasikasuhin ko ang mga ngipin ni Papa at siyempre, ang gilagid ko. Mahilig kasi ako sa matamis, laluna’t kabibili ko lang sa Duty Free – Subic ng mga chocolates. Nakupo! Paborito ko ang Toblerone, Reese at Combos (hindi nga pala chocolate ito, hehe!) Pero siyempre, may Bactidol at Listerine naman kaya sana hindi ako maging kahiya-hiya kay Dr. Tanael.

At bukas rin nakatakdang magbayad ang kasamahan kong manager sa Jollibee ng kanyang utang. (Wala pa siyang text hanggang ngayon, hehe!) Ang isang kasamahan ko pa nga pala sa Gawad, nagtext na sa Nobyembre na lang daw magbabayad (at kung pwede pa raw umutang ng panibago) Natutuwa ako habang sinusulat ko ito. Salamat sa Diyos at may kakayahan na akong magpautang. Pero siyempre, may limitasyon. (Jovie, hindi ko kaya ang P40 na hinihiram mo. May ilan pa akong scholars at binabalatuhan tuwing ika-pito ng buwan kasi. Bukod pa sa Smart, Globe at iba pang bills. Ni hindi ko pa nga nabibili ang Water Dispenser na naipangako ko sa aking mahal na inay. Hehehe!)

At sa Miyerkules, magte-text brigade na naman ako! Ibig sabihin, kailangan ko na namang i-update ang aking mga kliyente… at nakangiti kong tinatanggap ang hamon na ito ng buhay!

Pero siguro nga, may ilang mga bagay na dapat i-let go. Tulad ng aking Photography, Script Writing at Flower Arrangement Classes this month. At ang NSE Achievers ni Pam at Landscape Design sa Brittany ni Ma’am Hilda na job offers sa akin this week. Maraming trabaho na kayang-kaya ko sanang gampanan pero hindi ko matiyak kung bakit Events Planning ang aking kaligayahan. Masarap kasi ‘yung feeling na pinagkakatiwalaan kang maging kabahagi sa pinakamasasayang bahagi ng kanilang buhay. Kahit na walang bayad.//

MAHIGIT PA SA PITONG KULAY NG BUHAY

 

Nagulat pa nga ako nang makitang may isang institusyong kumikilala sa sining na ito ng pagsulat, na kung saan ang mundo ay nagiging isang maliit na paaralan. May mga nagtatanong, may mga sumasagot at marami rin ang tumatambay lamang.

Aaminin ko, hindi ako ordinaryong mag-aaral lamang dati. Nais ko nuon na palaging kakaiba. Kaya nga siguro Wedding Planning ang tinahak kong landas. Isa sa pinakamahusay na mag-aaral daw nila ang sumuong sa isang mababang propesyon. Kungsabagay, mababa ang tingin sa aming mga raketera ng ilan. Ayoko lang talaga kasing nakapirmi sa isang bahagi ng silid-aralan. Ayoko rin namang lumiliban ng klase. Kasalanan ang pumetiks! At ito ang aking kasalukuyan. Subalit batid kong dapat akong maging handa sa pagtanggap sa mga pagbabago. (Basta ang pinakahihiling ko lamang sa ngayon ay hindi yaman, kasikatan o kung anupaman, kungdi Health and Happiness ko at ng aking pamilya’t mga kaibigan. At alam kong walang impossible sa Kanya.)

ANINAG ang SINAG

 

 

Oktubre 15, 2007. Ngayon ako nakatakdang maging isang ganap na blogger.

 

 

Sa totoo lamang, ang tingin ko sa mga bloggers dati ay mga taong walang magawa sa buhay. At kapag nababasa ko ang mga blogs ng aking mga kaibigan, ako ay nagugulat sa kanilang tapang na magpakatotoo. Mahirap yatang ihayag ang tunay na damdamin sa mundo. At oo nga pala, aaminin kong ilang beses ko na ring sinubukang mag-blog. Mapa-Filipino, English at ang forever-conversational (at controversial) na Taglish, mayroon ako niyan! ‘Yun nga lamang, napapabayaan ko ang mga ito sa pag-asang isang araw, magkakaroon ako ng maraming oras. “Saka na lamang,” ito ang madalas kong sabihin sa aking sarili. Hanggang ang aking “saka” ay maging “ngayon”.

At ang mga KATEGORYA :

GIYA (Patnubay ni Guiang Biba)

IDEYA (Para sa ating pagsulong)

MADAYA (Pagtuya sa mga bagay na nagpapasilakbo ng damdamin)

MAY KAYA (Materyal na pagnanasa)

PABAYA (Ilang mga bagay bagay na kailangang hayaan)

PAGLAYA (Mula sa karimlan)

PITHAYA (At pagtaya ng sanghaya)

 

 

Patungo sa walang katapusang ngayon.

 

DAHIL SA MARAMING KWENTO ANG AKING BUHAY

Lucia, Noel, Magdalena, Claire, Aileen… mula yata A hanggang Z… nagamit ko ng pen name!

Natatakot kasi ako sa aking mga stalkers dati. Bukod pa sa ito ang ‘in’ sa aming mga manunulat. Pero para sa akin, ang pen names ay lubhang kailangan para ang makata o manunulat ay maprotektahan ang sarili laban sa sarili na nagpapakalunod sa isang tuod na baso ng tagumpay o pagkabaliw. Pare-pareho namang tubig ang ating iniinom, pinapatamis lamang ito ng ating mga salita. Whoa! Ang mga salita ng isang makata… matamis, nakalulunod, nakababaliw!

At bago pa ako muling mabaliw, pipilitin kong ikwento ang aking kasaysayan. Isang paglalakbay sa lupain ni Rizal. Hindi nga ba’t ako at si Rizal ay iisa? :-)